Ang Underground Music Scene sa Pilipinas I. Thesis Statement: Underground Rock Scene bilang kanlungan ng mga non-conformist Suliranin: Bakit dumarami ang nahuhimaling dito? Ang underground music scene ay animo virus na mabilis kumalat at madami agad ang tumatangkilik dito, bakit dumadami ,sa mga panahon ngayon, ang mga nahuhumaling sa underground? Ano ang meron sa musika nila at tintangkilik ng mga kabataan ngayon? Ano ang pakakaiba nito sa mga mainstream music? Ang layunin ng pagsasaliksik na ito ay mabigyan ng kasagutan ang tanong ng nakararami at upang magbigay na rin ng impormasyon sa mga tao. Isa pa sa mga layunin ng pagsasaliksik na ito ay mabigyang kasagutan ang tanong na, “bakit ayaw nilang sumikat o makilala man lang sa larangan ng musika? Mahalaga ang pagsasaliksik na ito dahil lahat naman ng tao ay nakikinig ng musika, mahalaga na malaman ng bawat isa ang tungkol sa ibang mundo ng tugtugan. Mahaga rin ito upang masagot ang mga tanong ng nakakarami tungkol sa underground, kung bakit ba ito tinatangkilik, at kung ano ang pagkakaiba nito sa mga mainstream sa Pilipinas. II. Underground Scene A. Depinisyon Ayon kay Louie Azcona, bahista ng bandang Publico, ang Underground Scene ay ang mga tugtugang hindi pa alam ng mga lolo’t lola ng mga tao ngayon. Ang mga kanta na sikat dito ay hindi maririnig sa karaniwang radio o sa telebisyon. Maririnig lamang ito, kung pupunta sa mga pinagdadausan ng mga gigs ng mga banda. Ang mga gigs karaniwang dinaraos sa mga bars. B. Diyanra Ang mga dyanrang maririnig sa Underground Music Scene ay mula sa suwabeng jazz at RNB(may mga iilan na banda tulad ng Out of Body Special) hanggang sa dumadagundong na metal at hardcore na tugtugan. C. Operasyon Ayon kay Sharynn Ann Bigay, isang kasapi ng “Playdead Productions”, ang mga nag-oorganisa ng mga tugtugang ito ay tinatawag na productions. Ang mga produksyon ay nag hahanap ng mga banda upang tumugtog sa inoorganisang nilang event. Ang mga events o gigs ay karaniwang dinaraos sa mga bars. Ang mga bars, na matatagpuan sa Metro Manila ay ang, na Freedom Bar(Q.C), Dayo Bar(Q.C), Mayric’s(Maynila), at Saguijo(Makati) ay ilan sa madalas pagdausan ng gigs. Ang mga bandang tutugtog (liban lamang sa main act ng gabi) ay hindi binabayaran o nag babayad para makatugtug. Ngunit sila ang namamahala sa pag benta ng tickets para sa nasabing gig. Kadalasan, upang makahugot ng mga manunuod, ang mga produksyon ay kuhukuha ng mga may pangalang banda upang tumugtog bilang main act. Isapang paraan na ginagawa ng mga produksyon, ay ang pagpapakalap ng mga tinatawag na online posters o mga adbertisimo sa internet na kadalasang ipinapakalat sa iba’t-ibang websites, personal webpages ng mga banda o ng produkson mismo kung mayroon man. D. Tauhan Ayon uli kay Louie Azcona, karaniwan daw na nanunuod ng mga gigs ay mga kapwa may banda. Dahil dito, maikukumapara raw sa isang story telling session ang pagtugtug dito. “Magkwekwento ang isang banda at makikinig kayo, pag katapos, kayo naman ang mag kwekwento at sila naman ang makikinig”, ika ni Louie sa isang panayam. Karamihan sa mga bandang sangkot sa scene na ito ay tinatawag na Indie band(wag malito sa Indie label). Ang salitang indie ay pinaikling Ingles na independent. Tinawag silang indie sa kadahilanang wala silang suporta na galing sa labas na pangpinansyal man o sa pag hahanap ng mga gigs. III. Mainstream A. Depininsyon Ang mainstream ay ang mga bagay na karaniwang alam ng nakararaming tao sa ating lipunan. Ito ay mga bagay na karaniwang alam ng lahat ng tao dahil sa popularidad nito, madaling hanapin at makita. Sa teksto naman musika, ito ang mga bandang pangkaraniwang maririnig sa radyo at telebisyon, at madaling matagpuan ang mga album nila sa mga record stores. B. Saklaw Paano nasabing mainstream ang isang banda? Masasabing mainstream ang isang banda kung ito ay popular sa lahat ng uri ng tao sa lipunan. Karamihan ng mainstream ay hawak ng isang recording company na may major label. Dahil dito ay mas nakikilala sila at mas napapapabilis ang kanilang pag angat sa larangan ng musika. Ang kanilang mga kanta ay karaniwang naririnig sa ibat ibang media tulad ng telebisyon at radyo na mas nakakatulong pa sa pagiging popular nila. Minsan ang pagiging mainstream ng isang banda ay hindi na nakatutok sa usapin lamang ng musika, madalas ay pati na rin sa pera. Kaakibat ng pagiging mainstream ay ang pagpasok ng banda sa mundo ng “komersyo sa musika”. Ibig sabihin ay ang pagtugtog ay hindi na lamang ginagawang pampalipas oras bagkus ito na ang kanilang hanap buhay. C. Tauhan Ang mga taong tumatangkilik sa mainstream music ay karamihang mga taong nabubuhay sa western influence at mga sanay sa iba’t-ibang klase ng media tulad ng telebisyon at radyo. D. Operasyon Ang mainstream na banda ay hawak ng isang major label company. Sila ang nagpropromote at nag-aasikaso ng mga gigs. Ang kita ng mga mainstream ay nakatakda sa kanilang mga kontrata na kanilang pinipirmahan bago sila hawakan ng isang recording company. May sariling manager ang mga bandang kabilang sa main stream scene upang tulungan sila sa pag-aayos ng kanilang mga problema. Kung titingnan ay parang walang problema ang isang mainstream na banda dahil halos lahat ng kanilang kailangan ay may nag-aasikaso para sa kanila mula sa gamit, gigs, promotions at recordings. Ngunit ang hindi alam ng karamihan, sugal din ang pagpasok ng isang banda sa mainstream scene. Kahit man hawak sila ng isang recording company, depende parin sa tao kung sila ay tatangkilikin o hindi. Kapag di kumita ang banda, di na muli ma-rerenew ang kanilang kontrata dahil lugi ang recording company. Kaya ang kadalasang ginagawa ng mga mainstream companies ay nakikielam sa paggawa ng kanta ng kanilang mga hinahawakang banda. Ayon muli kay Louie Azcona, ginagawa ito ng mga recording companies hangang sa punto na ang nagkocompose na ng mga kanta ay iyong mga sound engineer o producer. IV. Pagsusuri A. Non-Conformity, Ibig Sabihin: Ang ibig sabihin ng conformity ay ang paggawa at paggalaw ayon sa ekspektasyon ng lipunan o ng kung ano ang uso. Samakatuwid, ang ibig sabihin ng non-conformity ay ang di pagsunod sa pangkaraniwan. B. Underground at Mainstream Ayon kay Alyosha Pineda, isang mahilig manuod sa underground scene at nakikinig din ng mainstream, mayroon daw mga dyanrang hindi nagiging matagumpay sa telebisyon at radyo. Ngunit di raw ibig sabihin na hindi na maganda ang mga tugtugang ito. “Sadya lang na di malunok ng nakararame ang mga ganitong tugtugan”, ika ni Alyosha. Ang mga dyanrang ibig niyang sabihin ay ang mga hardcore at metal na tugtugan at ang mga dyanrang sakop nila tulad ng post-hardcore, death metal at ang pinag halong metalcore. Ayon kay Alyosha, minsan daw ay natritripan niya ang bigat ng mga tugtugang ito kaya nagpupunta siya sa mga gigs. Ngunit di raw ibig sabihin na nagrerebelde siya sa lipunan. Nag kataon lang na sa underground puwedeng marinig ang gusto niyang marinig. Ayon naman kay Carlo Pleyto, drummer ng bandang Minute, ang mga tugtugan ng mga banda sa underground ay raw o hilaw pa. Ayon sakanya, karamihan sa underground ay mga nagsisimula pa lamang sa pagbabanda kaya medyo di pa gaanong malinis ang pagtugtog. “Para saken”, ani Carlo,” ang mga tugtugan sa underground scene ay isang arte(art) ng pagpapahayag ng sarili”. “Isa sa mga dahilan kung bakit dumarami ang mga tumatangkilik dito dahil na kakarelate ang mga taga pakinig sa mga lyrics ng mga kanta sa underground”. Dagdag ni Carlo, “hindi naman ibig sabihin na ang mainstream ay di expression, pero lang kasi, may bahid na ng ilaw at kasikatan”. Malaki rin, ayon kay Carlo, ang naging papel ng internet sa paglaganap ng underground music. Ilang sa mga websites kung saan nakakapagpakinig ng libre ang mga bandang underground ay ang purevolume.com, youtube.com, imeem.com at amp.cahnnnelv.com. Sa pamamagitan nito, masnakikilala ang mga banda ng mga minsan pa lang nakarinig sa kanila. “Halos lahat ng banda sa underground sa ngayon ay may mga webpages na ganoon.” Ang mga taong nakikinig sa underground, minsan ay gusto maiba or maging unique sa nakararami. Hindi dahil nasasailalim na ng isang major label ang isang banda ay hindi na ito tutugtog sa mga munting gigs sa underground. Ang mga bandang, Bamboo, Slapshock, Chicosci, Urbandub, Typecast at Valley of Chrome (upang makapag bigay lang ng ilan) at aktibo parin sa pagtugtog sa underground kahit may mainstream attention na silang natangap. V. Kongklusyon Ang underground scene ay isang lugar kung saan nakakapagpalabas ng damdamin at talento ang mga banda, mapa baguhan o beterano man. Ang mga tugtugan dito ay kadalasang nakakaraktera sa bigat ng pagtugtug. Ito ay dahil ang mga dyanrang mabibigat ay di pumapatok sa mainstream kaya ito ay kadalasang na aasosiya sa underground. Ngunit mayroon ding mga bandang hindi mabibigat ang tugtugan na sikat sa underground. Sa tanong na ayaw sumikat ng mga banda, hindi magegeneralize iyan. May ibang banda, libangan lang o hobby ang pagtugtog at di hanap buhay. Ngayon, upang sagutin ang aming suliranin, bakit maraming ng nahuhumaling dito sa mga panahon ngayon? Ang karamihan na tumatangkilik sa underground ay ang mga kabataan mula katorse hangang mga huling taon ng bente. Ngunit di ibig sabihin na wala nang mga lampas trenta na tumatangkilik. Marahil, ang mga kabataan ngayon ay iba na ang panlasa sa musika kung ikukumpara sa nakalipas na henerasyon. Mayroon tatlong dahilan o factor ang pagsikat ng underground. Isa sa mga factors ay dahil sa makabagong internet. Dahil sa internet, mabilis nakakalat ang mga planadong gigs. Sa panig naman ng mga musikero, dahil sa internet masmadali na matuto tumugtog ng instrument dahil sa mga internet sites na may mga payo at mga “papaano ito”. Ang isa sa halimbawa ng site ay ang ultimate-guitar.com. Sa site na ito, puwedeng magupload ang mga bihasa nang mga gitarista at bahista ng mga guitar at bass tabs ng mga kanta na siyang pag-aaralan naman ng mga baguhan. Ikalawang dahilan ay ang pagdami ng practice studio sa kalakhang Maynila. Dahil dito, nag kakaroon ng pagkakataon na ma-expose sa mundo ng tugtugan ang mga kabataan sa paligid ng studio. Ang ikatlong at panghuling dahilan na nakikita namin ay ang pagdami ng mga mumurahing musical instruments na bibinebenta. Ang kalidad at ganda ng tunog ng mga mumurahing kagamitan na ito ay talagang resonable para sa presyon nito, hindi maipagmamayabang. Ngunit dahil mumurahin ito, marami ang nakakabili at nakakapagsimula sa mga starter sets na ito. Mayroong kanya-kanyang panlasa ang bawat tao sa musika. Ngunit, ang buhay ng tao ay nagbabago rin base sa henerasyon. Marahil, ang henerasyon sa ngayon ay gustong nang maiba at magkaraon ng sariling identipikasyon na kakaiba o unique. Ang ibang tao ang underground scene ang kanilang paraan upang maitatagtag ang minimithing identipikasyon. At dahil nga dito, ang underground ang kanilang nagiging pangunahing libangan, buhay at ang kanilang pinaka kanlungan. VI. Pinagkuhanan A. Pangkalahatang Lambat: http://en.wiktionary.org/wiki/conform http://en.wikipedia.org/wiki/Mainstream http://en.wikipedia.org/wiki/Indie_music_scenes http://www.friendster.com/viewphotos.php?uid=50036801&a=0 B. Mga Panayam Kina: Louie Azcona Sharynn Ann Bigay Alyosha Pineda Carlo Pleyto
| |||||||||||||||||||||||||||||
|
| ||||||||||||||||||||||||||||






Bohol Underground Music Sila ang mga rakistang Boholano!... 
